I wrote this poem earlier today... words just entered my brain. haha... Nothing serious, promise! I just want to write kanina and ayan... words and rhymes came into my mind.
Gusto ko magsulat,
Ngunit mga salita'y pawang maalat.
Nais kong sumambit,
Ngunit hininga'y naipit.
Ano nga bang nais,
Ng pusong tumatangis.
Mga salitang walang kaparis,
Takot ang dumudungis.
Pag-ibig ba ang kasagutan
Sa tanong na may patutunguhan?
O pag-ibig ang katanungan
Sa sagot na walang lagusan.
Salita't pag-ibig pa'no pagsasamahin,
Kung puro takot at kaba ang pumuno sa damdamin.
Nawa'y salita ko'y kumawala,
Kasabay ng pusong nagwawala.
Gusto ko magsulat,
Ngunit mga salita'y pawang maalat.
Nais kong sumambit,
Ngunit hininga'y naipit.
Ano nga bang nais,
Ng pusong tumatangis.
Mga salitang walang kaparis,
Takot ang dumudungis.
Pag-ibig ba ang kasagutan
Sa tanong na may patutunguhan?
O pag-ibig ang katanungan
Sa sagot na walang lagusan.
Salita't pag-ibig pa'no pagsasamahin,
Kung puro takot at kaba ang pumuno sa damdamin.
Nawa'y salita ko'y kumawala,
Kasabay ng pusong nagwawala.